Ni: TMZ

ISANG lalaki ang pinaghihinalaang sumunud-sunod kay Kate Beckinsale sa iba’t ibang lugar ng bansa nitong nakaraang taon, at nagbabala umano na sasaksakin siya nang mahuli ito sa Tampa Bay Comic Con.

Batay sa impormasyong ibinigay ng law enforcement sa TMZ, kinilala ang lalaki bilang si Terry Lee Repp, 45, na naaresto nitong Sabado ng umaga sa Tampa Convention Center nang may magbigay ng babala sa mga pulis na palagi itong nakasunod kay Kate.

Kate copy

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Nakilala umano ito ng isang pulis nang dumating si Kate sa kanyang Q&A panel, 11 ng umaga, at inaresto siya on the spot. Ikinulong ito sa Hillsborough County Jail dahil sa pang-i-stalk.

Ayon sa ulat ng mga pulis na inilabas sa TMZ, isang taon nang laging nakasunod at ginigipit ni Repp ang aktres.

Hinawakan umano nito si Kate sa likod at binantaan na sasaksakin sa event nito sa Salt Lake City noong 2016. Sinundan din umano nito ang aktres sa isang event sa Houston ng taon ding iyon, at doon ay hinuli rin siya at ikinulong din ng mga pulis.

Ayon sa mga pulis, si Repp ay mayroong “irrational obsession with the victim and has traveled across the country in an effort to harass her.”

Ayon sa ulat, hindi naman nahawakan ni Repp sa Kate sa pagkakataong ito, ngunit napagdesisyunan na ng aktres na magsampa ng police report bago ito pumunta sa isang event nang araw na iyon.

Dakong 11:52 ng umaga, nagbaba na ng kaso ang Florida judge nitong linggo laban sa paglabag ng batas ni Repp na itataas bilang felony dahil umano sa pang-haharass nito sa aktres at pinatawan ng piyansang $5,000.