ni Nora Calderon

MALUNGKOT na ang mga tagasubaybay ng Pinoy adaptation ng Korean drama na My Love From The Star na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. Ilang linggo na lang kasi, matatapos na ang romantic-comedy series, dahil hindi na raw puwedeng i-extend.

Maikli lang talaga ang original story ng My Love From The Star na tatlong beses nang ni-replay ng GMA. Nakasaad sa contract na hindi nila puwedeng dagdagan ang story.

Gil at Jennylyn
Gil at Jennylyn
Nasa malungkot na parte pa naman ang mga eksena nina Steffi Chavez (Jennylyn) at Matteo Domingo (Gil). Nagtapat na kasi si Matteo kung sino siya talaga at para iiwas ang totoo niyang nararamdaman kay Steffi, sinabi niya na wala siyang pakialam dito dahil hindi naman niya ito minahal.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Maraming televiewers ang nag-react sa pagtatapat ni Matteo. May mga nainis, may napaiyak, pero may mga kinilig din dahil nakita raw ang talagang pagmamahal ni Matteo kay Steffi na ipinagtatanggol pa rin sa masasamang balak ni Jackson (Gabby Eigenmann) lalo na ang pagpatay rito.

Dalang-dala ang viewers sa nakikitang kahusayan sa pagganap nina Jennylyn at Gil, hindi talaga makikita ang tunay nilang pagkatao kundi ang roles na ginagampanan nila. Humahanga sila sa galing ni Bb. Joyce Bernal na mai-transform sina Jen at Gil sa kanilang characters.

Si Steffi, kaya ba niyang tanggapin na sa loob ng tatlong buwan, hindi na niya makikita si Matteo? Si Matteo din lungkot na lungkot na iiwanan na niya si Steffi.

“Malapit na nga kaming mag-last taping day, kaya medyo malungkot na rin ako,” sabi ni Jen. “Napakabait kasi ni Gil at mahusay siyang artista, kahit first serye niya ito. Wala siyang reklamo kahit anong ipagawa ni Direk Joyce sa kanya. Mami-miss ko siya at sana magkasama pa kami ulit sa ibang project.”

“Tiyak na mami-miss ko ang mga kasama ko rito sa My Love From The Star kasi lahat sila very supportive sa akin, dahil first teleserye ko nga ito,” sabi naman ni Gil. “Thankful ako sa kanilang lahat, lalo na kay Jen, na naging mentor ko rin sa mga eksenang medyo mahirap kong gawin. And of course, kay Direk Joyce, inalagaan niya ako talaga.”

Napapanood ang My Love From The Star gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng Mulawin vs Ravena.