ni Marivic Awitan

Matapos mapasama sa Group B kung saan kagrupo nila ang defending champion China, Qatar at Iraq, sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na mistula silang napabilang sa “Group of Death” sa darating na 2017 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Lebanon sa susunod na buwan.

“Our group is very tough,” ani Reyes na kinukonsidera ang kanilang grupo bilang pinakamalaki o pinakamataas.

Paborito pa rin ang 2015 gold medal winner China na inaasahang muling pamumunuan nina Guo Ailun at Zhou Qi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magpaparada naman ng batang koponan ang Qatar na gagabayan ng kanilng national coach na si Qusai Hatem.

Bagamat may ranggong 94th sa world ranking, matatangkad naman ang roster ng Iraq na pangungunahan ng naturalized player na si Demario Mayfield.

Dahil dito, pinaghahandaan ng husto ng Gilas ang pagharap sa kanilang matatangkad na katunggali.

“We all know the size of Iraq because we saw it in the Jones Cup. We all know how big Qatar is and of course, there’s China,” ani Reyes. “The good thing is they all play one way. We’re not gonna change up from playing a Korea to a China so they’re all going to be big teams and hopefully, we can find a way to beat those teams.”

Isang matinding hamon ang susuungin ng Gilas dahil kailangan nilang manguna sa kanilang grupo para makausad sa susunod na round na nangangahulugang kailangan nilang talunin ang China.

“It’s gonna be really difficult but we’re going to try our best,” ayon pa kay Reyes.