Alden, Dimples at Cardinal Tagle sa PCNE
Alden, Dimples at Cardinal Tagle sa PCNE

Ni NORA CALDERON

SIX years na sa entertainment industry si Alden Richards. Nagsimula siya sa GMA Network nang gawin niya ang Alakdana with Louise delos Reyes.

Nasundan iyon ng marami pang projects. Nakarating na siya sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas at sa ibang bansa para mag-show at mag-shooting ng pelikula. Pero ang isa sa iti-treasure niya ay nang tanggapin niya ang imbitasyon ng Philippine Conference On New Evangelization – “One Heart and Soul,” with no other than Cardinal Luis Antonio Tagle, Archbishop of Manila, na ginanap sa University of Santo Tomas last Friday, July 28.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakasama ni Alden sina Dingdong Dantes at Dimples Romana at iba-iba ang topics na pinag-usapan. Nakasama ni Alden si Dimples sa forum na tungkol sa faith ang topic. Natanong ni Cardinal Tagle si Alden tungkol sa faith niya, sa pagiging artista niya, sa advocacies niya.

“Isa po sa advocies ko ang education, hanggang maaari kahit malayo nagsasagawa ako ng outreach, kamukha noong isang birthday ko na nagpunta ako sa isang lugar sa Tarlac, iyong lugar ng mga Aetas,” kuwento ni Alden. “Mahirap man puntahan ang lugar, nagawa pa rin naming madalhan sila ng mga pangangailangan nila, lalo na ng mga kailangan ng mga bata roon para makapag-aral sila.

“Isa pa ring advocacy ko ang pag-join ko sa Habitat for Humanity Philippines na tumutulong po ako sa pagbi-build ng decent houses. Naniniwala po kasi ako na hindi lamang pera para makatulong ka, iyong time lamang na ibibigay mo sa kanila, sapat na iyon or iyong presence mo lamang ay makakatulong na.”

Nasukat ang faith ni Alden nang dumating ang kasagutan sa mga dasal niya after four years na tuluy-tuloy lamang na pagtatrabaho niya, dahil biglang nabago ang buhay niya noong 2015, nang dumating sa buhay niya ang AlDub, ang love team nila ni Maine Mendoza na nagsimula sa Eat Bulaga.

“Simula po noon, nagsunud-sunod na ang blessings na dumarating sa akin, para sa aking pamilya, na labis kong ipinagpasalamat hanggang ngayon dahil patuloy po ang pagdating ng mga biyaya. Kaya sabi ko po, faith is one of the instruments that keep me grounded and sane. Faith is a way of life.”

Nagbiro tuloy si Cardinal Tagle ng, “Alden, hindi mo ba naisip na magpari, tulad ng mga kaparian natin diyan na mga guwapo rin silang kamukha mo?”

“Naniniwala po ako na life is a choice, kung saan ka tawagin ng Diyos, doon ka dapat pumunta. Ako po, ino-offer ko na sa Diyos ang buhay ko, Siya na po ang bahala sa akin kung saan po Niya ako dadalhin.”

Nagpalakpakan nang sabihin ni Cardinal Tagle: “Sige, Monsignor Alden.”

Walang projects o trabahong tinanggihan si Alden, to the point na sa pagod at puyat ay nagkakasakit siya, pero naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng Diyos para biguin niya ang mga taong pinasasaya niya.

Samantala, sa August 13, first time niyang pupunta ng Houston, Texas para sa isang show, ang “Fiesta Ko” para sa mga kababayan natin doon. Hindi niya alintana ang pagod dahil aalis siya rito ng August 11, no time na mamasyal doon at August 15, nandito na siya uli dahil magsisimula na silang mag-shooting ng new movie ni Maine for APT Entertainment, under Mike Tuviera.