Ni REGGEE BONOAN

‘PANGET is the new Pogi.’ Ito ang nababasa namin sa lahat sa social media na ang tinutukoy ay si Empoy Marquez na dalawang linggo nang talk of the town dahil sa tumatabong pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita mula sa Spring Films at sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

Empoy copy

Maloko talaga itong si Empoy dahil hindi namin alam kung nagpaparamdam siya sa ABS-CBN management na may ‘K’ na rin siyang bigyan ng malaking litratong nakakuwadro sa hallway ng main building ng ABS-CBN.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Kasi naman ginaya niya ang posing ni John Lloyd Cruz pati kulay ng damit at sabay post sa social media account niya, kaya ang daming natatawa at isa na nga si Sharon Cuneta.

Post ni Shawie sa kanyang social media account, “Aba aba aba! Eh Kung ikaw (Empoy) ba naman ang makatapat sa movie ni JLC (John Lloyd Cruz) na kumikita ka din sa takilya eh may karapatan ka na talagang tawaging Leading Man at Box-Office Star!

“I’m sure JL is super happy too for Empoy! Tsk tsk tsk, Tita Malou @malousantos03, Inang @olivia_manalili, and Tita Charo @charosantos, naghintay at sumakit lang ulo natin ng napakatagal, eh, si Empoy lang pala ang kasagutan, ang bait pa! Hahahaha!”

At ang nakakatawa, ikinumpara ni Sharon si Empoy sa alaga niyang arowana.

“(Waaaaaaaahhh! Wala na akong Arowana sa aquarium ko! Sikat na siya! Hahahaha! Aba super-deserving naman at napakabuting tao ng Empoy pogi namin!).”

Naniniwala na talaga kami na hindi lahat ng pogi ay puwedeng leading man kaya move over na muna mga guwapong aktor, may bago nang trend ngayon.

Anyway, sabi nga nila, daig ng mabait, marespeto at mabuting tao ang guwapo.