ni Marivic Awitan

Nagwagi ng gold medal ang Pinoy cue artist na si Carlo Biado makaraan nitong talunin sa men’s 9-ball pool finals si Jayson Shaw ng Great Britain Jayson Shaw, 11-7 sa World Games sa Wroclaw, Poland.

Ang nasabing gold medal ni Biado ang unang gold medal para sa bansa sa World Games, ang world competition para sa mga non-olympic games na ginaganap kada apat na taon ayon kay Robert Manaquil, secretary general ng lokal na billiard-snooker association na siya ring kasalukuyang media officer ng Philippine Olympic Committee (POC).

Carlo BiadoAng unang medalyang napanalunan ng bansa sa World Games ay isang bronze medal mula kay Dennis Orcullo sa 9-ball pool noong 2014 sa Cali,Columbia.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagpamalas ng kanyang katatagan si Biado,nang kanyang talunin si Oi Naoyuki ng Japan, 11-7, sa unang semifinals matchpara maitakda ang pagtatapat nila ni Shaw na nagwagi naman laban kay Ko Pin Yi ng Taipei sa isa pang semis match, 11-4.

Hindi naman pinalad ang kanyang counterpart na si Chezka Centeno na nabigo sa kanyang bronze medal match kay Han Yu ng China, 9-3 sa women’s pool.

Bahagi sina Biado at Centeno ng walong manlalaro mula sa Asia-na nag-qualify upang lumaban sa World games na kinabibilangan ng apat na lalaki mula Taipei, China at Japan at apat na babae mula sa Taipei, Korea at Japan base na rin sa kanilang world rankings.

Nakatakda ring mamuno ang Filipino cue artists sa 11-man billiard team ng bansa na sasabak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na buwan kung saan ididipensa nila ang kanilang titulo sa kapwa 9-ball pool.