ni Bert De Guzman

Pursigido ang House Committee on Labor and Employment na mawakasan ang “endo” o contractualization at de-regularization ng mga manggagawa.

Nilikha ng komite ang isang Technical Working Group (TWG) na magsasama at mag-aayos sa 25 panukalang batas na may kinalaman sa “endo.”

Sa pagdinig na pinamunuan ni Cagayan Rep. Randolph Ting, pinagtibay ang paglikha ng TWG na magko-consolidate sa House Bills 55, 76, 170, 341, 556, 563, 709, 712, 895, 916, 1045, 1208, 1351, 1563, 1837, 1857, 1910, 2389, 3556, 3769, 3802, 4443, 4444, 5130 at 5264, upang ganap na matuldukan ang “contracting, sub-contracting, manpower agency hiring at outsourcing” kabilang ang mga tinatawag na “service cooperatives engaged in manpower supply.”
Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'