Muling nagwagi at patuloy sa kanyang undefeated run ang dating 2012 London Olympian matapos gapiin sa puntos si Joel Taduran sa labang idinaos sa Sablayan Sports Complex sa Occidental Mindoro noong weekend.

Ang panalo ang kanyang ika-6 na sunod sa sindami din ng bilang ng laban na kanyang sinabakan.

Ginamit ni Barriga, na nagsasanay kasama nina dating interim world champion Drian Francisco at reigning IBF Junior bantamweight champion Jerwin Ancajas ang kanyang karanasan bilang dating amateur champion upang magapi si Taduran.

Mismong ang kanyang coach na si Joven Jimenez ay natutuwa sa ipinakikitang transition ni Barriga mula sa pagiging isang top amateur boxer hanggang sa isang mahusay na pro fighter.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Super ganda ng performance nya,” ani Jimenez.

Naniniwala din si Jimenez na ang 24-anyos na dating SEA Games gold medalist ay handa ng lumaban para sa title fight sa minimumweight division alinman kina WBA titleholder Thammanoon Niyomtrong, WBO champion King Ttasuya Fukuhara at undefeated champions na sina Hitoto Kyoguchi at Wanheng Menayothin ng IBF at WBC ayon sa pagkakasunod.

“Maghihintay lang kami ng pagkakataon, pero ready kami,” ani Jimenez.