MADRID (AFP) – Mahigit 22,000 katao ang inilikas nang magliyab ang entablado sa isang electronic music festival malapit sa Barcelona nitong Sabado.

Rumesponde ang mga bomber sa Tomorrowland festival sa Santa Coloma de Gramenet sa hilagang silangan ng Spain, at naapula ang sunog nang walang nasaktan.

Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng apoy, ngunit sinabi ng mga organiser sa kanilang Facebook page na ito ay dahil sa technical malfunction.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture