ni Samuel P. Medenilla

Target ng China na kumuha ng libu-libong Pilipinong household service workers (HSW) o mga kasambahay, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Biyernes.

Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Chinese government kay Labor undersecretary Dominador Say nitong unang bahagi ng buwan upang talakayin ang posibilidad ng pagpapadala ng mga Pinoy na kasambahay sa limang lungsod sa China, kabilang na ang Beijing at Shanghai.

“We talked about their plan to open China for Filipino household service workers...They said they are considering hiring 100,000 (Filipino) HSWs per month,” ani Say sa isang panayam.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa exploratory talk, sinabi ni Say na nagtanong ang mga Chinese official tungkol sa recruitment regulations ng Pilipinas para sa mga kasambahay.

“They said they decided to approach us only now since there is now many Chinese, who could now afford to hire Filipino HSWs,” aniya.

Aniya, ikinonsidera rin ng mga Chinese official ang “religious and peaceful culture” ng mga Pinoy gayundin ang pagiging bihasa sa pagsasalita ng wikang English.

“They said the Filipino may be able to help their children to speak in English,” ani Say.

Binanggit ni Say na magpapadala ang gobyernong Chinese ng mga delegado sa Pilipinas para talakayin sa Setyembre ang mga plano sa pagpapadala ng mga kasambahay sa China.

Aniya, ikinokonsidera ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang alok dahil mataas ang bayad sa mga kasambahay sa China.

“Some are paid as much as 1,000 dollars per month,” anang Say.