SEOUL (Reuters) – Nagpalipad ang United States ng dalawang B-1B bombers sa Korean peninsula upang magpakita ng puwersa kasunod ng panibagong missile tests ng North Korea, ipinahayag ng U.S. Air Force kahapon.

Sinabi ng North Korea na matagumpay ang pagsubok nito sa isang intercontinental ballistic missile (ICBM) noong Biyernes na kayang tamaan ang mainland America, na kaagad inalmahan ni U.S. President Donald Trump.

Ang paglipad ng B-1B flight nitong Sabado ay direktang tugon ng Amerika sa missile test at sa naunang pagpakawala noong Hulyo 3 ng “Hwansong-14” rocket, ipinahayag ng U.S. Lumipad ang mga bomber mula sa U.S. air base sa Guam, at sinamahan ng Japanese at South Korean fighter jets.

“North Korea remains the most urgent threat to regional stability,” saad sa pahayag ni Pacific Air Forces commander General Terrence J. O’Shaughnessy. “If called upon, we are ready to respond with rapid, lethal, and overwhelming force at a time and place of our choosing”.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Iniulat ng KCNA news agency na pinamahalaan ni North Korean leader Kim Jong Un ang midnight test launch ng missile noong Biyernes at sinabi na ito ay “stern warning” sa United States na hindi ito magiging ligtas kapag tinangkang atakehin ang North.