SYDNEY (AFP) – Napigilan ng mga awtoridad ng Australia kahapon ang diumano’y Islamist-inspired “terrorist plot” na pabagsakin ang isang eroplano gamit ang improvised explosive device (IED), matapos maaresto ang apat katao sa mga raid sa Sydney nitong Sabado.

“I can report last night that there has been a major joint counter-terrorism operation to disrupt a terrorist plot to bring down an airplane,” sinabi ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull sa mga mamamahayag.

Naglatag na ng karagdagang seguridad sa lahat ng mga domestic at international airport, at pinayuhan ang mga biyahero na dumating ng dalawang oras na mas maaga para sa screenings, dugtong niya.

Hindi binanggit kung anong flight ang target ng pag-atake.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina