Dahil sa pagkawala ng naturalized center na si Andray Blatche sa Gilas Pilipinas na sasabak sa darating na Fiba Asia Cup na gaganapin sa Lebanon sa susunod na buwan, inaasahang magdadala ng isa sa malaking load upang mapunan ang naiwang puwang ng una ay si June Mar Fajardo.

jun-mar-fajardo copy

Ngunit para sa reigning PBA 3-time MVP, bagamat batid nya at inaasahan ang nasabing pangyayari, naniniwala siya na kailangan pa rin ng teamwork at hindi ng iisang to lamang upang makapaglaro ang Gilas ng maayos sa Asian championships kahit wala si Blatche.

“Syempre mahirap kasi mahirap i-fill yung sapatos ni Andray. Siya ang go-to guy natin sa Gilas,”ani Fajardo sa panayam dito na nauna ng lumabas sa Spin.ph.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Pero tingin ko kaya naman basta meron kaming teamwork at tiwala sa sarili, sa isa’t-isa, at kay coach Chot (Reyes),”dagdag nito.

“Di ko alam kung ano ang maa-achieve pero tingin ko naman, may mararating tayo basta’t may teamwork,”ayon pa sa gentle giant ng SMB.

Aminado naman si Fajardo na nag-a-adjust pa rin sya sa kanyang bagong role bilang isa na ngayon sa mga lider ng Gilas Pilipinas.

“Nahihiya din ako sa kanila. Di naman ako yung tipo na vocal. Nakikinig lang din ako eh,”ani Fajardo.

Ngunit wala naman siyang pagpipilian lalo pa’t wala na ang mga dating lider at mga beterano sa team na gaya nina Marc Pingris, Jimmy Alapag at Ranidel de Ocampo at naiwan sa kanila nina Jayson Castro at Gabe Norwood ang pamumuno sa mga baguhan nilang mga kakampi.

Kabilang na rito sina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Terrence Romeo, Calvin Abueva, Jio Jalalon, Roger Pogoy, Matthew Wright, Carl Bryan Cruz at Fil-German Christian Standhardinger na siyang pumalit sa puwesto ni Blatche bilang Gilas’ naturalized player.