Pinangunahan ng Southwestern University duo nina Dij Rodriguez at Therese Ramas at ng University of Negros Occidental-Recoletos tandem nina Erjane Magdato at Alexis Polidario ang pagratsada ng mga manlalaro buhat sa Visayas sa pagsisimula ng BVR on Tour National Championship noong Biyernes sa Anguib Beach sa Sta. Ana, Cagayan.

Kapwa nagtala ng tig-dalawang panalo ang nabanggit na dalawang Visayas squads para sa maagang pamumuno.

Winalis nina Rodriguez at Ramas ang unang nakatunggaling Batangas, 21-5, 21-1, bago ginapi ang Rizal Technological University-1, 21-6, 21-10, upang manguna sa Group B.

Dinomina naman nina Magdato at Polidario ang Cagayan, 21-7, 21-2 at isinunod ang University of Perpetual Help , 21-19, 21-15 para mamuno sa Group C.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gaya ng dalawang Visayas teams, nagtala din ang Team Perlas nina Bea Tan at Michelle Morente ng dalawang panalo upang mangibabaw sa Group D. Una nilang iginupo ang Tuguegarao, 21-10, 21-3, bago sinunod ang San Beda, 21-15, 20-22, 16-14.

Sa men’s division, nangingibabaw naman ang mga paboritong University of Santo Tomas at Far Eastrtn University.

Ginapi ng Tigers pair nina KR Guzman at Anthony Arbasto ang RTU, 21-14, 21-9 para sa una nilang panalo sa Group B, habang namayani naman ang Tamaraws duo nina Joshua Barrica at Kevin Hadlocon kontra Ateneo 21-11, 21-18, sa Group D.

Nauna namang nagtala ang Bacolod tandem nina Jonmar Aguillon at dating NU standout Reuben Inaudito ng dalawang panalo upang pmunuan ang Group A habang magkasalo naman sa pamumuno sa Group C ang National University pair nina James Natividad at Fauzi Ismail at University of St. La Salle tandem nina Herold Parcia at Neil De Pedro.

Ang top three teams kapwa sa women’s at men’s division ay ihahanay sa national beach volleyball pool para sa Southeast Asian Championhips sa Singapore sa Setyembre.

Habang isinasara ang pahinang ito ay nilalaro na ang quarterfinal round ng torneo at inaasahang bago matapos ang araw ay tapos na rin ang finals.