NI: Reggee Bonoan

TULALEY ang buong staff ng high-end dental clinic somewhere in Makati sa seasonal actress na ipinasara ang buong klinika dahil magpapa-cleaning siya.

Katwiran ng seasonal actress, ayaw niya na may ibang tao sa clinic kapag nandoon siya bukod sa kanyang personal assistant.

Ang problema, may nauna nang pasyente sa dental clinic nang dumating ang seasonal actress, kaya naghintay muna siya sa isang kuwarto. E, gininaw siya kaya nanghingi ng tuwalya or something na puwede niyang ibalabal dahil wala siyang dala.

Events

Ricky Lee, tinawag na 'rebelde' si Nora Aunor

Nataranta ang mga staff dahil alam na nila kung ano ang gagawin sa tuwalya, dapat mabango kaya mega spray sila ng pabango bago ibinigay sa seasonal actress.

Ang anim na bodyguard ng seasonal actress ay naghihintay at palakad-lakad lang sa labas ng clinic dahil naiinip.

“Basta’t nandito si _____ (seasonal actress), dapat attentive ka or else tatawag ‘yan sa owner at magsusumbong,” kuwento ng spy namin sa dental clinic.

Nakita na rin namin ang seasonal actress kung paano mag-utos at kadalasan ay ginagamitan lang niya ng kumpas ng kamay at gets na agad ng bodyguards at personal assistant niya ang ibig niyang sabihin.

Ikaw na, Bossing DMB ang nakahiga sa salapi at anumang oras na gustuhin niyang magkaroon ay dumarating kaagad.

May problema pa kaya siya sa buhay niya?