Ni: Leandro Alborote

ANAO, Tarlac - Sabit sa kasong estafa ang isang ahente ng agricultural supply nang hindi tumupad na i-deliver sa isang magsasaka ang inorder nitong mahigit P45,000 halaga ng pataba sa Barangay Suaverdez, Anao, Tarlac, nitong Biyernes ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Roderick Linda, kinasuhan si Aurora Baybado, nasa hustong gulang, may asawa, ng Brgy. Rizal, Anao, makaraang hindi mai-deliver ang 62 sako ng fertilizer, na nagkakahalaga ng P45,500, kay Joel Fernandez, 39, ng Brgy. Suaverdez.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto