Ni: Anthony Giron

BACOOR, Cavite – Isang lalaking Japanese ang ninakawan ng P30,000 at cell phone ng isang babae matapos silang mag-check in sa isang motel sa Bacoor, Cavite, iniulat ng pulisya kahapon.

Inaresto si Mylene Batallones Mallari, 31, ng mga tanod at pulis sa kanyang bahay sa Santero Street, Barangay Mabolo III, makaraang humingi ng saklolo sa awtoridad si Kenji Murata, 47 anyos.

Nabawi umano kay Mallari ang Samsung Duos J7 at P2,500 cash ni Murata.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Ayon sa pulisya, Martes nang mag-check in ang dalawa sa Loveliness Inn, ngunit paggising ni Murata ay nakaalis na si Mallari at wala na rin ang kanyang pera at cell phone.