Ni: Marivic Awitan

Naghahandang mabuti ang pangunahing lady MTB rider ng bansa na si Ariana Dormitorio para sa darating na Asia MTB Series na gaganapin ngayong linggo sa Tambunan, Sabah, Malaysia at para sa World Championships sa Australia sa Setyembre.

ariana dormitorio copy

Sinisikap ng top MTB Cross Country bet na itaas pa ang lebel ng kanyang “competitiveness” para sa target niyang umabot sa pinapangarap niyang paglalaro sa Olympics.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kasalukuyang nangingibabaw sa Asia MTB Series, muling masusubok si Dormitorio sa second leg na idaraos sa Agosto 5-6 sa Tambunan, Sabah Malaysia kung saan makakasagupa niya ang higit na mabibigat na mga katunggali mula Chinese Taipeh, Kazakhstan, Thailand, Malaysia at Indonesia.

Naniniwala naman ang ama ni Dormitorio na si Donjie na siya ring tumatayo nyang coach na ang pinagdaanang matinding training ng anak sa nakalipas na anim na buwan ay nagbunga ng pagkakaroon ni Ariana ng magandang “physical condition” na nagbigay dito ng ibayo pang lakas ng katawan.

Ayon pa kay coach Donjie sa panayam dito ng DZSR Sports Radio na mas higit na nagbibigay ng motivation sa kanyang anak ang nakatakda nitong paglahok sa World Championships na gaganapin sa Setyembre 5-10 sa Cairns, Australia.

Hangad ng mag-ama na makita kung hanggang saan makakasabay si Arian sa mga Europeans, Americans, Australians at iba pang World-power MTB riders .

Gusto din nilang ma-scout ang kanilang mga katunggali at magamit ang mga matututunan nilang mga istratehiya sa kasalukuyan nilang programa.

Sa kasalukuyang UCI Ranking, nasa ika-489 puwesto si Ariana na mayroon lamang 51 puntos na inaasahan nilang tataas kapag nidagdag na ang nakuha niyang 100 puntos sa nakaraang panalo niya sa Philippine National Championships.