Ni ADOR V. SALUTA

MAG-AANIM na taon na si Derek Ramsay sa TV5. Enjoy raw siya at walang anumang pagsisisi na lumipat siya ng network.

Kaya, sa dose-dosenang mga sikat na artistang naglipatan sa Kapatid Network ( from ABS-CBN at GMA) noong kasikatan nito, si Derek lang ang pinaka-loyal o nanatili bilang Kapatid.

DEREK copy

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“That’s my personality in anything that I do. When I start something, I’ll finish it. In relationship also, that’s who I am. To my family, my friends, you know, my friends knows that I’m the most loyal guy.

“I’m very loyal to our country. When I play for the Philippines, mabalian ako, mamatay ako, lahat ibibigay ko. The same thing with my network. I’m being paid, I should do my part.

“I’m just not going to sit here and accept payment and not give back. If I didn’t feel like I gave back, I wouldn’t expect na ire-renew nila ko for another three years,” aniya.

Kaya sinusuklian niya rin ang tiwala at importansiyang ibinibigay sa kanya ng TV5.

“When we sat and we talked, they said, hey, we’re very happy with what you’ve done and we want you to sign on for another three years. No hesitation, I said yes.”

May mga nagsasabi na baka masilaw raw siya sa bagong offer ng ibang network at maudyukan siyang lumipat. Agad nilinaw ng aktor na wala silang kinakausap na kahit na anong network.

“You know there’s ano, there’s hearsay na o dito ka na. Pero nothing na seryoso. I think it would be very disrespectful for me to entertain other offers.”

Sa palagay niya, hindi pa seryosong offers ang mga ibinubulong sa kanya.

Nagkaroon ng isyu si Derek sa ABS-CBN noon, na sabi’y lumaki ang ulo, nagkaroon ng attitude, pero ayon sa aktor ay wala siyang problema sa Kapamilya Network.

“Nag-movie na nga kami ni Coleen (Garcia). May project kaming naka-line-up ni Bea (Alonzo). Nag-guesting na ko sa GGV (Gandang Gabi Vice), nag-guesting na ko kay Kuya Boy (Abunda). So, hindi na ‘ko banned sa ABS (CBN),” sabi ng aktor.

Magtatapos na sa April sa susunod na taon ang kontrata ni Derek sa TV5, magbabalik Kapamilya ba siya?

“Probably we’ll start talk (with TV5) January and find out where we’ll going. Parang ganu’n din ang nangyari sa akin, kasi my first contract was three years. We started talking January, alam ko na kung saan ako pupunta.

“Na-appreciate nila na nanalo ako ng Best Actor, they appreciated the stuff that I did outside the network which also helped them, kasi totoo naman na kung nasa ABS ka or nasa GMA ka, mas sikat ka, mas kita ka ng mga tao.

“But I was able to keep my name afloat with endorsements, my sports and my movies. So, they appreciated that. They gave me the contract for another three years which is actually shocking,” ani Derek.

“Again, I can’t say. TV5 is my priority. Lahat ng mga projects na ‘binigay nila sa akin is because hindi lang ito ang naisip nila na si Derek na lang ang natitirang artista, sa kanya na lang natin ibigay. It’s like, alam nating gusto ni Derek ang ganitong project, i-offer natin sa kanya. I’m still giving the opportunity to decline. Pero ‘yung mga in-offer nila, gusto ko. So, tinatanggap. I was never forced to do a project in TV5,” klarong sabi ng aktor.

Bukod sa programang Amo na idinirihe ni Brillante Mendoza at mapapanood na sa Agosto, kino-conceptualize na ang bago niyang programa na tatalakay naman sa kuwento o buhay ng young athletes.