Ni: Mars W. Mosqueda, Jr.

CEBU CITY – Mariing ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronaldo “Bato” Dela Rosa na paghandaan ang matinding bakbakan laban sa New People’s Army (NPA) sa oras na matapos na ang krisis sa Maute Group sa Marawi City.

“The order of the President is for me to be ready because after Marawi we will go after the NPA. He said ‘ubusin natin ‘yan, tapusin natin ang problema sa NPA’,” sinabi ni dela Rosa nitong Biyernes ng gabi nag dumalo siya sa pagtitipon ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) sa Cebu City.

Ayon kay dela Rosa, binitiwan ni Duterte ang nasabing direktiba nang sabay silang bumisita sa mga pulis na nasugatan sa pananambang ng NPA sa Guihulngan City sa Negros. Napatay sa ambush ang anim na pulis at isang sibilyan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Paulit-ulit niyang sinabi sa akin na dapat trabahuin na namin ang NPA. We have five more years to go and the President is hoping that the remaining five years will result to a better future for the Filipino people,” ani dela Rosa.

Pinakamarami ang NPA sa Eastern Mindanao, partikular sa mga lalawigan ng Davao, Agusan, at Surigao. Sa Visayas, malakas ang puwersa ng mga rebelde sa Negros Island, Iloilo, at Samar, ayon kay dela Rosa.

“Whatever it takes, we will terminate the NPA. You may call it an all-out-war or whatever you want to call it but our goal is to crush them,” sabi pa ni dela Rosa.