Ni NITZ MIRALLES
NAG-TRENDING sa Twitter ang IG stories ni Ahron Villena. Aksidente raw nitong na-upoad ang hubo’t hubad niyang picture sa Instagram. Sabi ng mga nag-comment, wala nang ipagmamalaki si Ahron dahil nakita na ang kanyang itinatago.
Agad ding dinelete ni Ahron ang picture, kaya lang marami na ang nakapag-screen shot. Hayun, mabilis pa ring nag-viral ang controversial picture.
Pero totoo kayang para sana sa someone special ni Ahron ang nude picture na in-upload niya?
Hinihintay ngayon ng netizens na mag-react si Ahron, mag-ingay siya gaya ng pag-iingay niya sa isyu nila ni Kakai Bautista. Pero ang tanging reaction pa lang ni Ahron ay ang “I love you guys” sa Twitter.
Sa IG, nag-post siya ng, “Forget the past. Remember the lesson” na parang tungkol sa latest scandal niya.
Naalala tuloy na minsan na ring nagpakita ng kanyang manhood si Ahron sa eroplano naman. Nag-viral din ang picture niya at talaga namang pinag-usapan dahil sa kanyang ibinuyangyang habang nakasakay siya sa eroplano.
Natawa kami sa nag-comment na parang nagiging hobby na raw ni Ahron na ipakita ang manhood niya. May nagtatanong na nga kung saan ang next na pa-screening niya.