Mga Laro sa Martes

(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. -- CEU vs Racal Motors

5 n.h. -- Flying V vs Batangas

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

NADOMINA ng Marinerong Pilipino ang AMA Online Education, 125-71, nitong Huwebes para masiguro ang slot sa quarterfinals sa 2017 D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakakabilib ang kampanya ng Skippers, lungaygay sa 1-4 karta, bago humarurot sa limang sunod na panalo para sa impresibong debut sa liga.

Nanguna si Mark Isip sa Skippers sa naiskor na 15 puntos sa second half kung saan rumatsada ang Marinerong Pinoy.

Kumubra si Julian Sargent ng 20 puntos para sandigan ang Skippers na umabante sa pinakamalaking 56 puntos na bentahe, 121-65.

“This is a good win for us. Magandang pabaon sa amin going to the playoffs, but I always remind the players na ibang klase ang playoffs and it’s a good thing that we have veterans who have been there before,” pahayag ni coach Koy Banal.

Napatatag din ng third-seed Tanduay ang kampanya sa 81-72 panalo kontra Racal Motors.

“Every time he watches, we loses, so we just wanted to break that. Para makatikim naman siya ng panalo at para rin nakangiti kami na umuwi. Momentum-builder na rin sa amin papasok sa playoffs,” sambit ni Tanduay coach Laurence Tiongson.

Iskor:

(Unang laro)

MARINERONG PILIPINO 125 - Sargent 20, Gumaru 18, Isip 15, Publico 13, Subido 10, Alabanza 8, Javelona 8, Javillonar 7, Marata 7, Iñigo 6, Lopez 5, Moralde 4, Gavieres 2, Salcedo 2.

AMA 71 - Salonga 14, Alas 13, Bonleon 12, Paras 9, Carpio 6, Macaranas 5, Celso 4, Tobias 4, Jordan 3, Calma 1, Magpantay 0, Malones 0.

Quarters: 33-26, 64-39, 94-51, 125-71.

(Ikalawang laro)

TANDUAY 81 - Tambeling 13, Martinez 12, Palma 11, Varilla 10, Gaco 9, Sollano 7, Eguilos 4, Taganas 4, Vigil 4, Terso 3, Alvarez 2, Santos 2, Villamor 0.

RACAL MOTORS 72 - Mangahas 14, Tallo 10, Cabrera 9, Pontejos 9, Lozada 8, Capacio 6, Faundo 4, Gomez 3, Ortuoste 3, Cortes 2, Grimaldo 2, Octubre 2, Apreku 0, Ayonayon 0.

Quarters: 21-16, 49-44, 68-60, 81-72.