Ombudsman Conchita Carpio-Morales, listens intently during a forum entitled, The office of the Ombudsman of the Philippines: Integrity and Anti-Corruption Initiatives in Changing Times, at the Novotel Manila, Araneta Center, Quezon City, July 28, 2017. (Mark Balmores)
Ombudsman Conchita Carpio-Morales, listens intently during a forum entitled, The office of the Ombudsman of the Philippines: Integrity and Anti-Corruption Initiatives in Changing Times, at the Novotel Manila, Araneta Center, Quezon City, July 28, 2017. (Mark Balmores)

Ni: Czarina Nicole O. Ong

Hindi nagpatinag si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa babala ni Pangulong Duterte pagkatapos ng State-of-the-Nation Address (SONA) ng huli nitong Lunes, na kumuha muna ng clearance rito ang kanyang tanggapan bago magpaimbestiga laban sa mga pulis at sundalo.

Sa anti-corruption forum ng International Development Law Organization (IDLO) sa Novotel Hotel sa Cubao, Quezon City kahapon, kinuwestiyon ni Morales ang authority ni Duterte tungkol sa nasabing usapin sa pagsasabing: “Ano’ng pakialam niya?

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

“Under the law, we have subpoena powers. We have orders for particular officials including police and soldiers to show up or to file pleadings. There is no law that requires a soldier or a policeman or any respondent for that matter to seek clearance from anybody,” patuloy ni Morales. “There are times that (they will say) they were not properly informed.”

Kung mayroon silang papatawan ng contempt, na hindi sinabihan tungkol dito, sinabi ni Morales na pakikinggan nila ang dahilan ng mga ito. Pero kung mapatutunayan nila na nalaman ng mga ito ang kaso pero sadyang ayaw lamang magpakita, maaaring magsampa ng reklamo ang Ombudsman laban sa mga ito.

Samantala, ibinunyag din ni Morales kahapon na hindi siya imbitado sa SONA ni Duterte, bagamat wala naman siyang pakialam kung hindi man siya nakatanggap ng imbitasyon.

Idinagdag niya na hindi rin siya nanood ng SONA sa telebisyon, bagamat may nagparating sa kanya tungkol sa mensahe ni Duterte sa Ombudsman na huwag patawan ng contempt ang mga pulis at sundalo.