Ni: Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Nanawagan ang Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa iba pang biktima ng pagtangay ng motorsiklo na kilalanin kung ang magkapatid na napatay nitong Martes sa Del Corro Street sa Barangay Sto. Niño sa Gapan ang nambiktima sa kanila.

Kinilala ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, ang mga napatay sa engkuwentro na sina John Lester Enriquez Miranda, 25, binata, ng Bgy. Caalibangbagan; at Jester Roeldan Enriquez Miranda, 28, may asawa, ng Bgy. Cinco-Cinco, kapwa ng Cabanatuan City.

Unang nagsumbong sa pulisya sina Jay-Ar delos Santos Aguilar, 30; at Kevin Martin, 22, kapwa taga-Bgy. Sinasajan, Peñaranda, na nabiktima ng “agaw-motor” sa Bgy. San Lorenzo sa Gapan,

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Naabutan ng mga pulis ang magkapatid, na kapwa nasawi sa sumiklab na engkuwentro.