Ni: Nitz Miralles

NGAYONG Sabado ang sinabi ni Gabbi Garcia na lipad niya papuntang Nice, France para sa photo shoot ng Mega Style. One week daw sila sa France, kaya nagparinig ang ex-boyfriend niyang si Ruru Madrid na mami-miss siya.

GABBI copy copy

Parang ayaw maniwala ni Gabbi na mami-miss siya ni Ruru dahil magiging busy daw ang aktor sa taping ng Alyas Robin Hood 2. Hindi lang siguro mabanggit ni Gabbi na paano siya mami-miss ni Ruru kung may Maureen Wroblewitz itong pinagkakaabalahan.

Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

Anyway, kung one week lang sa France si Gabbi, narito na siya sa August 6, na kung hindi kami nagkakamali, second anniversary celebration ng Sunday Pinasaya. Special kay Gabbi ang show dahil dito na lang sila napapanood ni Ruru na magkasama. Wala na silang teleserye at hindi siya kasama sa Alyas Robin Hood 2 at malamang, bigyan pa ng ibang kapareha si Ruru.

“Kinu-comfort ko ang fans namin ni Ruru na nalulungkot na sa Sunday Pinasaya lang kami napapanood ngayon. I told them, I’m pretty sure hindi ang Encantadia ang last teleserye namin together. In the meantime, sa Sunday

Pinasaya muna nila kami subaybayan. Laging masaya ang episode, even for two hours, mawawala ang lungkot nila,” sabi ni Gabbi.

Naitanong na rin namin kay Gabbi ang hindi namamatay na tsika na isa sa mga rason ng break-up nila ni Ruru ay dahil tinatalakan niya ito kahit sa harap ng ibang tao. Biktima raw ng verbal abuse ang aktor.

“Honestly, hindi ko alam kung saan galing ang isyung ‘yan. Never kong sinabihan ng masama si Ruru and I don’t think magpapaganoon siya sa akin. Kung na-verbal abuse ko siya, sana totally, hindi na kami bati. Kahit noong ipasok ang love team nila ni Kylie (Padilla) sa Encantadia, wala akong reklamo. Not true na tinatalakan ko siya, “ pahayag ni Gabbi.

Samantala, bukas, sa Sunday Pinasaya, guest si Alessandra de Rossi sa segment ni Wally Bayola bilang si Coach Cynthia sa master acting class nito.

May special kilig dance number si Barbie Forteza to celebrate her 20th birthday on July 31. Kasama niya sa dance number sina Ken Chan, Addy Raj at Jak Roberto. Wala si Ivan Dorschner dahil nasa States.

Ang bibigyan ng award sa Puso Ng Saya Award ay isang teacher na ginagamit ang comedy sa kanyang pagtuturo para maging mas interesting. Guest din si Glaiza de Castro sa Mang Jose segment kasama si Jose Manalo.