Ni REGGEE BONOAN

NAKATSIKAHAN namin sa grand launch ng TBA Studios ang head ng Globe Studios na si Direk Quark Henares. Excited siya sa partnership nila ng Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions dahil maraming projects silang pagsasamahan.

May entry din sa 2017 Metro Manila Film Festival ang TBA at Globe pero ayaw pang sabihin ni Direk Quark kung ano ito.

CRISTALLE VICKI AT QUARK_paki-crop ang lalaki sa bandang kaliwa copy

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

“Secret pa kasi hindi pa nasa-submit ‘yung script. We’re marketing Birdshot for TBA and there’s another project na ia-announce,” kuwento ng director.

Anyway, nakakatawa, Bossing DMB dahil paglapit namin ay nagulat si Direk Quark sabay sabing, “Naku, dahil sa ‘yo nalaman ko ang kasal ng nanay ko!”

Matatandaang nasa Amerika si Direk Quark nang ikasal noong Hunyo 23 sa civil rites sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ni Makati City Mayor Abby Binay sa bahay mismo ng mga Belo sa Dasmarinas Village.

Nagtampo si Direk Quark sa nanay niya dahil hindi man lang daw sila sinabihan ng kapatid niyang si Cristalle Henares-Pitt na narito lang naman noon sa Pilipinas.

Kaya nagpasaring ang director sa pamamagitan ng FB page ng, “Dear people with children: If you ever get married again be sure to give the kids a heads up, lest they find out via reporters calling them in the middle of the night.”

Kaya kinulit talaga namin si Direk Quark, kasama ang ilang kapwa reporter, kung kumusta na silang mag-ina.

“Okay na, nag-sorry rin noong umuwi ako,” tumatawang sagot ng first born ni Dra. Vicki. “Hindi big thing ‘yun,” humahalakhak pang sabi. “Apparently, ito pala ‘yun, kasi kailangan lang ng French embassy na magpapakasal naman talaga sila, di ba?

“So, parang hindi siya big thing. Kaya kung makikita mo, parang apat lang sila, di ba? So, parang na-guilty na rin siya na parang hindi niya ako nasabihan. So, all is good in the world.”

Nagkita na ba sila ni Hayden?

“Yeah, sabi lang, ‘Sorry ha?’ So okay na, alam n’yo naman ako guys, easy going.”

Siya ang maghahatid sa mommy niya sa altar sa church wedding nito kay Hayden sa Paris sa Setyembre?

Tumatawang sagot ni Direk Quark, “Ah, surprise. Best man, I believe. I don’t know ano’ng tawag doon sa maghahatid.

Yes, I’m gonna walk my mom sa aisle.”

Ano naman ang papel ni Cristalle sa wedding ng nanay nila?

“I’m not sure, actually. She might host,” say ng kuya ni Mrs. Pitt.

Ang excited groom na si Hayden daw ang nag-aasikaso sa nalalapit na kasal nila at ang wedding coordinator nina Cristalle at Justin ang siya ring mamamahala sa engrandeng kasalan.

“They (team ng wedding coordinator) went to Paris two weeks ago to check out the place and everything. It’s exciting,” sabi ni Quark.

Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ni Hayden?

“Okay naman, chills, alam mo naman, bros (brother),” tumatawang sagot ni Direk Quark.

Sa totoo lang, Bossing DMB, wala kaming narinig sa voice recorder namin kundi puro halakhak ni Quark.

Nagtanong kami kung nagkaroon ba ng ‘pirmahan’ na ang ibig naming sabihin ay kung may ‘prenuptial contract’ sina Dra. Vicky at Hayden base na rin sa gustong mangyari ng mga anak ng una bago ikasal.

“I think so. Actually, I don’t know,” biglang seryosong sabi sa amin.

Samantala, tinanong din namin siya kung kailan naman siya magpapakasal dahil siya na lang ang nanatiling single sa pamilya nila.

“Oo nga, eh. Malapit na ‘yan,” tumatawang sagot sa amin.

Anong malapit na?

“Siyempre hindi ko sasabihin ang mga plans ko. May girlfriend naman ako, one year na,” sagot niya.

Hirit namin, ‘Siya pa rin ba ang girlfriend mo?’

“Oo, siya pa rin, actually more than a year, kasi nu’ng magkita tayo sa My Candidate, siya na, eh,” seryosong sagot ni Direk Quark.

Sigurado na siya na ang present girlfriend niya ngayon ang makakatuluyan niya.

“Parang sure na ako, eh.”

Kaya ang bati namin, ‘Finally nakakita ka na, ang tagal-tagal mo nang (single) na ginantihan lang niya ng ngiti.

Hmmm, ‘pag relasyon nila ng girlfriend niya ang pinag-uusapan ay seryoso si Direk Quark, ‘pag isyu ng Mommy Vicki niya, idinadaan niya lahat sa tawa at biro.