Ni: Leandro Alborote
CONCEPCION, Tarlac – Tatlong katao ang iniulat na nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Concepcion-Capas Road sa Barangay Jepmin, Concepcion, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ni PO1 Emil Sy ang mga isinugod sa Concepcion District Hospital na sina Kristianne Montemayor, 29, driver ng Luckystar motorized tricycle, ng Bgy. O'Donnel, Capas; Ruel Capati, 19; at Aaron Maliwat, 15, kapwa taga-bgy. Sta. Lucia, Capas.
Sangkot din sa karambola ang Toyota Vios (ZDC-700) na minamaneho ni June Guevarra, 36, ng Bgy. San Juan, Concepcion; at ang Pangasinan Solid North Bus (CXH-776), na minamaneho ni Aristico Bagay, 31, ng Bgy. Pantoc, Binangonan, Rizal.