Ni: Mina Navarro
Iniulat ng mga immigration officer mula sa iba’t ibang port of entry na mayroong 176 na dayuhang sex offender ang kanilang naharang at napigilang pumasok sa bansa sa unang anim na buwan ng taon.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na hindi pinayagang makapasok sa bansa ang mga dayuhan dahil sa kanilang record bilang registered sex offenders (RSOs), o mga napatunayang nagkasala o wanted sa sex crimes sa kani-kanilang bansa.
Ayon pa kay Morente, kapansin pansin ang pagdami ng sex offenders na ipinabalik sa kanilang bansa sa taong ito dahil nasa 136 lang ang naitala noong 2016.