WALANG makapipigil sa pagpapakilig ng I Heart Davao sa Pangasinan dahil bibisita ang mga bida ng GMA Telebabad series na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa naturang probinsiya ngayong Sabado (July 29) para sa isang Kapuso Mall Show sa Magic Mall sa Urdaneta simula 4 PM. Makakasama nila sa pagtatanghal ang Kapuso boy band na One Up.
Mas lalo pang dapat abangan ang lalong tumitinding mga tagpo sa huling tatlong linggo ng I Heart Davao. Nalaman na ni Ponce (Tom) na ang ex-girlfriend niya ang heart donor ni Hope (Carla) kaya nagdesisyon ang binata na bumalik ng Davao. Magkaayos pa kaya ang dalawa? Inaabangan din ang magiging papel ng karakter ni Zoren Legaspi sa mga bida ng nasabing serye.
Samantala, may Kapuso Mall Show rin ang Mulawin vs. Ravena sa KCC Mall de Zamboanga sa Zamboanga City ngayong Sabado, simula ika-7 ng gabi. Makikisaya sa mga Zamboangueño sina Derrick Monasterio, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix.