BILANG patunay sa isinusulong na kalusugan at maayos na katauhan sa pamamagitan ng cycling, itinaguyod ng British life insurer Pru Life UK ang delegasyon ng bansa sa pagsabak sa Prudential RideLondon 2017 sa Hulyo 28-30.

cycling copy

Itinuturing ‘greatest festival of cycling’ sa mundo, ang fund-raising cycling event ay inaasahang lalahukan ng may 100,000 siklista mula sa iba’t ibang panig ng mundo na pawang nagkakaisa sa layuning makatulong sa kapwa at mapanatili ang malusog na pangangatawan.

May temang #ReasonToRide, ang international cycling festival ay nakatuon sa pagkakaloob ng tulong sa Bloodwise – ang nangungunang blood cancer research sa United Kingdom – gayundin sa iba pang charity organization tulad ng Save the Children.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Binubuo ang Philippine delegation nina Ismael Grospe Jr., ang sumisikat na 18-ayos rider mula sa Nueva Ecija at Ronnel Hualda, beteranong siklista na sumabak na sa maraming international tournament. Makakasama nila ang Pru Life UK employee na sina Franco Amian at Marvin Pacis.

Tatahakin ng karera ang mga ruta na siyang dinaanan ng mga siklista sa 2012 London Olympics.

“We have a set of four cyclists who all have the strength, skill, and spirit necessary to overcome the challenges of the 100-mile marathon. But more importantly, we have a set of four advocates who forward not only the cause of the charities but also the vision of creating an environment that encourages safe cycling,” pahayag ni Pru Life UK Senior Vice President and Chief Marketing Officer Allan Tumbaga.

Pinatibay ng Pru Life UK ang adbokasiya sa cycling bilang mainam na paraan sa pangangalaga ng kalusugan sa inorganisang PRUride to London, isang cycling festival na tinampukan ng criterium race para sa professional, sa nakalipas na taon. Sinundan ito ng matagumpay na MyBGC Bike Lanes na sisimulan sa unang Linggo ng Agosto sa Bonifacio Global City, Taguig.

“We have a thriving community of cyclists across the Philippines, and it is through supporting these kinds of event that we hope to spark conversations and eventually create more advocates of making our country more cycling-friendly.

Pru Life UK is committed to protecting not only the financial future of Filipinos but also the health and wellness of the generations to come,” sambit ni Tumbaga.