Ni: Marivic Awitan

SINOLO ng Pocari Sweat ang ikalawang puwesto sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference matapos pabagsakin ang Philippine Air Force sa loob ng straight sets , 25-19, 25-20, 29-27, nitong Miyerkules sa Filoil Flying V Centre.

Si Myla Pablo ang sumelyo sa panalo ng Lady Warriors sa pamamagitan ng isang crosscourt kill, ang ikalima para sa koponan sa loob ng anim na laban upang makopo ang huling outright seat sa semifinals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“My assessment for this game is I saw what I taught them in training,” pahayag ni Pocari coach Rico de Guzman.

“Our first balls were perfect and I really challenged the players to receive the services and not to always rely on the libero.”

Nagposte ang Lady Warriors ng 45 spikes kumpara sa 27 lamang ng Lady Jet Spikers.

Tumapos si Pablo na may game-high 19 puntos para sa Lady Warriors na sinundan nina Jeanette Panaga at Elaine Kasilagna may tig-11 puntos.

Nagtala naman ng pinagsanib na 16 puntos sina Iari Yongco at Dell Palomata para sa Lady Jet Spikers na bumagsak sa markang 3-2.

Nanatili namang buhay ang kampanya ng BaliPure na makasungkit ng semifinal berth nang gapiin ang Adamson University, 25-18, 25-23, 19-25, 25-20.

Nanguna si Far Easten University ace Jerrili Malabanan sa Water Defenders sa naiskor na 16 puntos, habang tumipai sina Grethcel Soltones ng 14 puntos, 14 digs at 19 excellent receptions.