Ni: PNA

NAKOPO ni Elien Rose Perez ang tatlong bronze medal sa women’s 53 kg. category sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships kamakailan sa Army Training and Sports Complex sa Lagankhel, Kathmandu, Nepal.

Nabuhat ni Perez, pambatong anak ng Tagbilaran City, Bohol ang 73 kg. sa snatch, 93 kg. sa clean and jerk, para sa kabuuang bigat na 166 kg. sapat para sa bronze medal finish sa prestihiyosong junior competition.

Nagwagi si Hongyan Gan ng China sa snatch (83 kg.), clean and jerk (108 kg.), at kabuuang (191 kg.), habang silver medalisy si Thailand’s Surodchana Khambao na bumuhat ng snatch (75 kg.), clean and jerk (95 kg.), para sa kabuuang (170 kg.)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umabot sa 241 atleta mula sa 20 bansa ang sumabak sa torneo.

Napili si Perez na isabak sa torneo matapos masungkit ang tatlong ginto sa 53 kg. event ng katatapos na Private Schools Athletic Association Sports Foundation, Inc. (PRISAA) National Games sa Zambales Sports Complex.

Nabuhat ng 18-anyos na si Perez ang bigat na 73 kg. sa jerk at 95 kg. sa snatch para sa kabuuang 168 kg.

Sumabak din si Perez sa Asian Youth Championships sa Qatar, ang qualifying tournament para sa Nanjing Youth Olympics sa China noong 2014, gayundin sa Asian Junior Championships sa Uzbekistan at Asian Youth and Junior Championships sa Japan sa nakalipas na taon.