Ni: Genalyn D. Kabiling at Beth Camia

Kumpiyansa ang Malacañang na kakayanin ng Office of the Solicitor General (OSG) na habulin ang ill-gotten wealth ng mga Marcos sa harap ng planong buwagin na ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na ang planong pagbuwag sa PCGG at para mapadali ang operasyon ng gobyerno at hindi dahil sa politika.

“The Office of the Solicitor General actually handles the cases filed to run after the Marcos ill-gotten wealth, while the PCGG actually handles the administrative function,” ani Abella sa press briefing sa Palasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“So based on their proposal, the OSG can also handle the administrative functions as well,” aniya tungkol sa pag-ako ng OSG sa mga responsibilidad ng PCGG.

Nang tanungin kung maaaring maapektuhan ng abolisyon ng PCGG ang mga pagsisikap ng pamahalaan na mabawi ang nakaw na yaman ng mga Marcos, sinabi ni Abella na: “I think it’s a question of streamlining. There’s no politics there.”

Idinepensa rin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang pagbuwan sa PCGG, na aniya ay 30 taon na at wala nang ginagawa hinggil sa mga nakaw ng yaman ng mga Marcos at “cronies” nito.

Giit niya, sayang lamang ang mga benepisyong tinatanggap ng mga staff ng PCGG kahit wala nang pakinabang ang gobyerno.

Nilikha ni noo’y Pangulong Corazon Aquino ang PCGG noong 1986 para bawiin ang mga ninakaw na yaman ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at ng mga kaibigan nito.