Ni: Genalyn Kabiling at Beth Camia
Ikinalugod ng Malacañang ang huling resulta ng survey na nabawasan na ang mga nagugutom sa bansa, pero aminado na napakarami pang dapat gawin upang maging maayos ang kalagayan ng mga Pilipino.
“The Palace is pleased to announce the recent Social Weather Stations survey showing the lowest hunger level from among the Filipino families in 13 years,” sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa news conference sa Palasyo kahapon.
“We certainly made headways in alleviating poverty and bringing prosperity in our first year in office,” aniya.
Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagugutom, ayon sa pinakahuling survey na isinagawa noong Hunyo 23-26, nabawasan ng hanggang 2.2 milyon o 9.5 porsiyento ang hunger level sa bansa.
Pinakamababa umano ito magmula noong Marso 2004, na ang hunger level ay bumulusok sa 7.4 percent.
Kabilang sa 9.5 percent na naitala sa second quarter ng 2017 ang mga nakakaranas umano ng “moderate” at “severe” hunger.