Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang kahapon na hindi basta-basta mabubuwag ni Pangulong Duterte ang Commission on Human Rights (CHR) dahil ito ay isang constitutional commission.

Nitong Lunes, nagbanta si Duterte na bubuwagin ang CHR dahil ‘tila lagi umano nitong hinahabol ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para managot sa mga alegasyon sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa press briefing kahapon sa Palasyo na nagpahayag lamang si Duterte ng pagkadismaya sa CHR.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“It’s basically the President simply expressing his frustration regarding the apparent biases of the Commission,” sabi ni Abella.

“He’s actually expressing his frustrations regarding the CHR. However, it is a constitutional commission and it cannot be abolished by mere legislation,” dagdag niya.

Gayunpaman, sinabi ni Abella na maaaring palitan ni Duterte ang mga tao sa alinmang constitutional commission, ayon sa kagustuhan nito.

“The chairperson, and his members, however, serve at the pleasure of the President. Technically they may be replaced at his pleasure,” sabi niya.

Sa interview kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ng mga reporters sa Malacañang, sinabi nito na si CHR Commissioner Chito Gascon ay dapat magkaroon ng “decency to resign” dahil “biased” ito.