Ni: (Connie Destura/PNA)

ALINSUNOD sa selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon, 50 malnourished na kabataan mula sa tribong Iliyan, kasama ang kanilang mga magulang ang lumahok sa orientation at team building activities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol para sa 43rd Nutrition Month Culminating Activity na ginanap kamakailan sa Organic Agricultural Learning Farm, San Agustin, Iriga City.

Sinabi ni Ma. Cristina Florendo, DSWD Bicol Nutritionist Dietician III, sa panayam nitong Miyerkules, na layunin ng aktibidad na turuan at itaaas ang kamalayan ng publiko lalo na ng indigenous people sa paglutas ng malnutrisyon at importansiya ng healthy diet.

“Barangay Iliyan posted the highest prevalence of malnutrition that’s why we have identified this area for this activity,” pahayag ni Rose Jeannie D. Bolivar, Iriga City Nutrition Action Officer (CNAO).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This will be of great help to these families thus we advised them to apply the learnings they acquired in the activity and share it with other members of the tribe,” dagdag pa niya.

Pinakainabangan ang mga aktibidad na Orientations on Food Sanitation and Safety, Hand washing Technique, Cooking Demo, Backyard Gardening at ang diskusyon tungkol sa karapatan ng kabataan at mga indigenous people.

Taun-taong ipinagdiriwang ang Buwan ng Nutrisyon tuwing Hulyo sa pangunguna ng National Nutrition Council at mga kasaping ahensiya.

May temang theme “Healthy diet, gawing habit – FOR LIFE!” ang kampanya ngayong taon para sa promosyon ng healthy diet.