NEW YORK (AP) – Tinatrabaho ng mga scientist ang paglikha ng custom-made DNA na ipapasok sa living cells at babago sa paggalaw ng mga ito o magbibigay ng lunas sa mga sakit. Ang pagsisikap ay makatutulong din upang balang araw ay makalilikha ang scientists ng mga bagong organismo.

Nagagawa nang baguhin ng mga scientist ang DNA code. At ngayon ay pinupursige na makabuo ng redesigned life forms mula sa scratch.

Nakatuon sa yeast ang pinakabagong pagsisikap na ito. Pinamumunuan ng New York University researcher na si Jef Boeke ang international team na nagtatrabaho para “i-rewrite” ang yeast genome, kasunod ng detalyadong plano na kanilang inilathala noong Marso.

Naaalarma ang marami sa ideya sa paglikha ng bagong DNA, at binabalak ng mga scientist na humiling ng patnubay ng ethicist at ng publiko bago ito subukan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya