Ni: Leonel M. Abasola

Nagkaisa ang Senado na buuin ang “committee of the whole” sa susunod na Linggo para balangkasin ang tax reform program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ito ay paraan din upang maisalba si Sen. Sonny Angara, chairman ng Committee on Ways and Means, na tinukoy ng Pangulo na ayaw suportahan ang kanyang tax reform, at pinaalalahanan ito na may eleksiyon pa sa 2019.

“We also sympathize with Sen. Sonny, dahil kawawa naman siya baka ma-Recto siya,” ani Lacson.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang pagkatalo ni Sen. Ralph Recto noong 2007 election dahil sa isinulong nitong expanded value added tax o E-VAT.