Ni: Johnny Dayang

MARAMING Pilipino marahil ang hindi pa lubos na nauunawaan ang panawagan ni Pangulong Rodridgo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kamakailan na dapat isauli ng Amerika ang mga Balangiga bells sa Pilipinas.

Tatlong tansong kampana ang tinutukoy niya. Dalawa rito ang nasa Warren Air Force Base sa Wyoming, USA, habang nasa US Camp Hovey malapit sa Seoul, South Korea, naman ang isa pa. Kinuha ng puwersa ng mga sundalong Amerikano ang mga kampana ng Balangiga, Samar noong Philippine-American war.

May madamdaming kuwento sa likod ng mga Balangiga bells. Ayon sa kasaysayan, nilapastangan ng dalawang Amerikanong sundalong lasing ang isang Pilipina at binugbog pa ang kapatid nito. Upang bigyang-diin ang kanilang kapangyarihan, dinakip at ikinulong pa ng mga Amerikanong sundalo ang ilang lalaki sa Balangiga at puwersahan silang pinagtrabaho.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dahil nainsulto, naghigante ang mga taga-roon. Isang gabi, gamit ang kalembang ng kampana bilang hudyat, nilusob at pinagtataga nila ang natutulog na mga Amerikanong sundalo. Napatay ang 74 sa mga ito. Bilang ganti, pinagbabaril naman ng mga Amerikano ang mga tao, pati mga bata, sinunog ang pamayanan at tinangay ang mga kampana bilang tropeyo ng digmaan.

Napagkasunduan nina Pangulong Fidel Ramos at Pangulong Bill Clinton ng Amerika, sa kanilang panahon, na isasauli ang mga kampana ngunit hanggang ngayon wala pang nangyayari.

EGALITARIAN TRAIN - Sa kanyang SONA, binigyang-diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng komprehensibong Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) ng kanyang administrasyon na pasado na sa Kamara at nasa Senado na ngayon.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, ang pangunahing may-akda ng panukalang TRAIN na isinanib ang kahawig nitong bill ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua at iba pa, ang TRAIN ay ang “most egalitarian” o pinakapatas na batas mula noong 1945 nang pulungin ang Unang Kongreso ng Pilipinas. ... Inaasahang maghahatid ang TRAIN ng taunang P354-bilyong monetary impact sa bansa. Mahigit P170 bilyon nito ay diretsong malilipat sa mahihirap at karaniwang pamilya mula sa mayayaman. Bukod sa iba pang mahalagang katangian, babaguhin ng TRAIN ang mabigat na sistema ng income tax. Sa ilalim nito, walang babayarang buwis ang kumikita ng hanggang P250,000 kada taon. Ang kumikita ng higit dito ay pagbabayarin ng karampatang buwis batay sa nakatalagang “income brackets,” kaya magiging patas ang sistema.

Paliwanag ni Salceda: ”Tanging TRAIN ang paraan para gawing patas ang ‘income tax system’ natin dahil magiging ‘class legislation’ naman kung mayayaman lang ng papatawan ng buwis ang kita.”