Ni: Nitz Miralles

IPINAKILALA na si Alexander Lee Eusebio as the Korean actor na leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

Linggo pa dumating si Alexander o Xander ng bansa kasama ang tatlo pang Korean actors para magpatuloy ng taping sa first Pinoy-Korean series. Ang sabi, one month dito ang Korean actors at magti-taping sila sa Bulacan.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

HEART AT ALEXANDER copy copy

Marunong magsalita ng English si Xander, kaya hindi siya mahirap interbyuhin. Sa interview nga sa kanya ni Iya Villania, nabanggit na may Pinoy friends siya sa pinapasukang university sa Korea.

Saka ilang beses na siyang nakapunta sa Pilipinas noong member pa siya ng UKiss K-pop group at nag-guest na sa shows ng GMA-7 gaya ng Walang Tulugan with the Master Showman at Party Pilipinas.

“First, when I heard the word GMA, I was already confident that it would be a good project. Afterwards, knowing that Heart Evangelista would be in it, it won my heart completely! Of course, it was a tough decision to give up all my current work here in Korea for this project, but I’m definitely sure it will be worth it. After seeing the project proposal, I was really excited because it is very meaningful. I personally really love the cultural exchange between the Philippines and Korea. It would be a never-before seen project so I decided to join,” sabi ni Alexander.

Malapit nang humarap sa press people si Xander dahil kung matutuloy, sa August 21 na ang pilot ng My Korean Jagiya mula sa direksiyon ni Mark Reyes.