Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Arena, San Juan)

8 n.u. -- EAC vs Perpetual Help (jrs)

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

10 n.u. -- LPU vs Mapua (jrs)

12 n.t. -- EAC vs Perpetual Help (srs)

2 n.h. -- LPU vs Mapua (srs)

4 n.h. -- St. Benilde vs Arellano (srs)

6 n.h. -- St. Benilde vs Arellano (srs)

DAHIL sa masamang lagay ng panahon, nagdesisyon ang pamunuan ng NCAA na ipagpaliban ang mga nakatakdang laro kahapon.

Mismong si NCAA management committee chairman Fr. Glynn Ortega, OAR ng season host San Sebastian College ang naghayag ng anunsiyo kasunod ng pagdeklara ng suspensyon ng klase sa last ng level ng ilang mga syudad sa buong Kamaynilaan.

“Due to bad weather and suspension of classes, the NCAA games today, July 27, are cancelled,” nakasaad sa statement ni Ortega.

Dapat sana ay idaraos kahapon ng liga ang kanilang ikatlong laro na bahagi ng NCAA on Tour sa San Sebastian College gym sa Recto na orihinal na na itinakda sa San Sebastian -Cavite, kung saan makakalaban nila ang Jose Rizal University.

Dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Gorio’ na nagdulot ng malalakas na pabugso -bugsong pag -ulan na nagresulta ng mga pagbaha sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila.

Pag -uusapan pa ng NCAA kung kailan iri- reschedule ang mga na-postponed na laro sa pagitan ng juniors at seniors squads ng Stags at Heavy Bombers.