BUENOS AIRES, Argentina (AP) – Apat na dating federal judges sa Argentina ang hinatulan nitong Miyerkules ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan.

Nagpasya ang korte sa probinsiya ng Mendoza na ang mga dating hukom na sina Rolando Carrizo, Guillermo Petra Recabarren, Luis Miret at Otilio Romano ay nakibahagi sa mga pagdukot, pagpapahirap, at pagpatay. Nilitis sila sa kanilang kabiguang imbestigahan ang mga petisyon para sa habeas corpus na inihain ng mga kamag-anak ng mga aktibista na nanglaho sa panahon ng diktadurya mula 1976 hanggang 1983.

Batay sa opisyal na pagtaya, 7,600 katao ang pinatay o naglaho sa panahon ng diktadurya, ngunit naniniwala ang rights activists na ang totoong bilang ay umaabot sa 30,000.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina