Ni: Liezle Basa Iñigo

PANGASINAN - Dalawang katao, kabilang ang isang 12-anyos na lalaki, ang napaulat na nalunod sa magkahiwalay na lugar sa Agno River ng mga bayan ng Alcala at Bugallon sa Pangasinan.

Kinilala ang batang biktima na si Jonell Sebastian, 12, special child, ng Barangay San Vicente, Alcala, habang hindi pa nakikilala ang isa pang nalunod—na naaagnas na—isang lalaki na nakasuot ng itim na polo shirt at itim na pantalon.

Gabi na ng Miyerkules nang makuha ang bangkay ng bata nang lumutang sa Agno River, matapos iulat na nawawala.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Dakong 7:40 ng gabi rin nitong Miyerkules nang matagpuan ang bangkay ng lalaki, na pinaniniwalaang taga-San Carlos at kabilang sa tatlong lulan sa tumaob na bangka.