Ni: Beth Camia

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang aborsiyonista sa isinagawang entrapment operation sa Toril, Davao City.

Kinilala sa mga alyas na “Jean”, 44, registered midwife; at alyas “Inday”, 67, retired midwife, ang mga nadakip at kinumpiska rin ang kanilang mga gamit sa klinika.

Napag-alamang ikinasa ang entrapment makaraang matanggap ng NBI ang impormasyon tungkol sa sinasabing abortion clinic.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Itinanggi ng mga suspek na nagsasagawa sila ng aborsiyon, at sinabing nagpapatulong lang sa kanila ang mga gustong magparaspa.