SAN FRANCISCO (AP) – Sumugod ang mga demonstrador sa isang recruiting station sa New York City at nagtipon sa isang plaza na ipinangalan sa isang San Francisco gay-rights icon nitong Miyerkules para iprotesta ang biglaang pagbabawal ni President Donald Trump sa mga sundalong transgender sa militar.
Ilan daang katao ang nagtipon sa paligid ng U.S. Armed Forces recruiting station sa Times Square. Bitbit nila ang mga karatula na nagsasabing “Resist!” at nakinig sa mga nagsalita na kinokondena ang ban, na ipinahayag ni Trump sa Twitter.
Hindi malinaw kung ano ang magiging kahulugan ng ban sa mga nagsisilbing sundalong transgender.
Nagtipon din ang ilan daang demonstrador kinahapunan ng Miyerkules sa Harvey Milk Plaza ng San Francisco. Nagwagayway sila ng pink at asul na bandila, nagbitbit ng mga karatula na may nakasulat na “Trans lives are not a burden” at sumigaw ng “Stand up! Fight back!”
Sa isang mas maliit na pagtitipon sa Los Angeles LGBT Center sa Hollywood, sinabi ng U.S. Army Reserve member at transgender man na si Rudy Akbarian, 27, na noong una ay inakala niyang joke lang ang balita tungkol sa kautusan ng President. Sinabi ng five-year military veteran na siya ay “heartbroken” nang malaman na totoo ito.