FILE - At left, in a July 7, 2016, file photo, Conor McGregor speaks during a UFC 202 mixed martial arts news conference, in Las Vegas. At right, in a Jan. 28, 2017, file photo, boxer Floyd Mayweather Jr. attends a fight in Las Vegas. It’s still early, but give Round 1 of the trash talk battle between McGregor and Mayweather Jr. to the Irish MMA star. (AP Photo/John Locher, File)

TAMPULAN ng negatibong reaksiyon sa boxing greats ang nakatakdabng duwelo nina boxing champion Floyd Mayweather, Jr at Mixed Martial Arts star Conor McGregor, ngunit inaasahang papatok sa takilya ang laban.

Kahapon, ipinahayag ng promoter ng laban na mapapanood sa lahat ng sinehan sa Amerika ang duwelo na nakatakda sa Agosto 26.

Mabibili ang ang pay-per-view ng laban sa US$99.95 sa high-definition TV, habang ang tickets sa Las Vegas’ T-Mobile Arena ay nagkakahalaga ng US $500 hanggang US$10,000. Sa kasalukuyan, kakaunti na lamang umano ang bakanteng upuan sa US$500 seats.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Itinakda naman ang presyo ng tiket sa sinehan sa US$40, ayon sa pahayag ng Fathom Events at Mayweather Promotions nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nagbalik aksiyon si Mayweather mula sa pagreretiro sa ikalawang pagkakataon para labanan ang UFC champion na si McGregor na walang karanasan sa pro boxing.

Marami ang aligaga sa laban na ayon sa boxing expert ay nakasisira sa imahe ng boxing. Taas-kamay naman si eight-division world champion Manny Pacquiao para sa magaan na panalo ng mahigpit na karibal.

Inaayos na rin umano ang rematch para sa laban nina Mayweather at Pacman.