Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(San Sebastian Gym, Legarda)

2 n.h. -- San Sebastian vs Jose Rizal (jrs)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

4 n.h. -- San Sebastian vs Jose Rizal (srs)

TATANGKAIN ng season host San Sebastian College na putulin ang nasimulang trend sa home -and-away ng NCAA Season 93 basketball tournament kung saan natatalo ang host team sa nakatakda nilang pakikipagtuos sa dayong Jose Rizal University sa SSC Gymnasium sa Claro M. Recto Avenue sa Manila.

Sa naunang dalawang school games, parehas na nabigo ang mga host schools sa kanilang mga panauhin, una ang Arellano University sa kamay ng San Sebastian at sumunod ang Mapua University sa University of Perpetual.

Kasakuluyang nasa ika -apat na posisyon kasalo ng University of Perpetual Help at ng College of St.Benilde na may barahang 1-2, asam ng Stags na makabalik sa winning track matapos ang huling kabiguang natamo sa kamay ng league leader Lyceum of the Philippines.

Bagamat natalo, kuntento si Stags coach Egay Macaraya sa ipinamalas na laro ng kanyang mga players.”Natutuwa ako sa mga bata at proud ako sa kanilang attitude na ipinapakita sa laro. Fight lang talaga ng fight kahit anong mangyari.,”

Ngunit, para sa beteranong si Michael Calisaan, hindi sila dapat na makampante at nangako itong sisikapin nilang manalo sa mga susunod nilang laro.

“Siguro okey lang na matalo kami ngayon ,pero gusto rin naming manalo at may natitira pa kaming 15 games para sa chance na magawa yun, “ pahayag ni Calisaan.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, magtatangka ang Heavy Bombers na makapagtala ng unang back-to-back wins ngayong season kasunod ng naiposteng ikalawang tagumpay sa nakaraang laban nila kontra Letran.

Umaasa si coach Vergel Meneses na hindi na mawawala ang aniya’y nagbalik na karakter ng kanyang team bukod pa sa mabawasan kung hindi man maiwasan ang mga turnovers sa huling bahagi ng laban.

Ganap na 4:00 ng hapon ang salpukan ng dalawang koponan, pagkatapos ng tapatan ng kani-kanilang junior teams na sisimulan ng 2:00 ng hapon.