Ni: Gilbert Espeña

UMAKYAT ng timbang si Philippine flyweight champion Ryan Rey Ponteras para hamunin si IBO super flyweight titlist Gideon Buthelezi sa Hulyo 28 sa East London, Eastern Cape, South Africa,

Unang pagtatangka ito ni Ponteras na maging kampeong pandaigdig kahit sa hindi sikat na samahan at kailangan niyang magwagi sa knockout dahil kilala ang South Africa sa hometown decision.

Galing sa huling pitong panalo si Ponteras, apat sa stoppages, at umaasa siyang uulitin ang pagwawagi ng kababayang si Edrin Dapudong na naagaw ang IBO super flyweight title kay Buthelezi sa 1st round knockout noong 2013 sa Gauteng, South Africa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Muling nabawi ni Buthelezi ang nabakanteng IBO title noong 2015 nang daigin niya sa puntos ang kababayang si Makazole Tete at dalawang beses niya itong naidepensa sa puntos kina Diego Luis Pichardo Liriano ng Argentina at Angel Aviles ng Mexico.

May rekord si Buthelezi na 19-5-0 na may 4 na panalo lamang sa knockouts samantalang si Ponteras ay may kartadang 20-11-1 na may 9 pagwawagi sa kncokouts.