Ni: Jimi Escala

HINDI nakarating si Congresswoman Vilma Santos sa church wedding ng kapwa niya kongresista na si Alfred Vargas kay Yasmine Espiritu na ginanap sa Manila Cathedral last Sunday. 

Isa sa principal sponsors ang Lipa City representative na isa sa mga inabangan ng mga dumalo sa kasalan. Ayon kay Ate Vi, alam naman daw ni Alfred na hindi siya makakarating. 

JESSY AT LUIS copy copy

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Sa joint session ng Congress noong Sabado, bisperas ng kasal, humingi raw siya ng paumanhin kay Alfred dahil hindi siya makakadalo. 

Naintindihan naman daw ni Alfred ang dahilan kung bakit hindi siya nakasipot. 

Samantala, medyo ikinalulungkot ni Ate Vi na may mga taong kontra sa relasyon ng panganay niyang si Luis Manzano kay Jessy Mendiola. Ang pakiusap ni Ate Vi sa mga ito, sana ay pabayaan na lang na maging masaya ang magkasintahan.

 

Ayaw magkomento ni Ate Vi sa nakarating sa amin na inilihim lang daw muna nila ang nakatakdang pagpapakasal nina Luis at Jessy. May mga pag-uusap na raw kasing nagaganap pero mahigpit daw ang pakiusap ni Luis na wala munang makakaalam. 

Ang mabilis na sagot ni Ate Vi nang usisain namin, hindi pa raw niya nakakausap si Luis tungkol sa bagay na ito.

Basta ang alam daw niya ay masayang-masaya si Luis sa takbo ng relasyon nila ni Jessy. 

Itinuturing pa nga raw ni Luis na sinuwerte siya kay Jessy dahil simula nang maging magkasintahan sila, patuloy ang paglago ng negosyo ng sikat at premyadong TV host.