Ni Dennis Principe

MAGKAGULO man sa takbo ng iskedyul sa laban, nagpahayag ng kumpiyansa si back-to-back Southeast Asian Games champion at 2016 Rio Olympian Eric Cray sa kanyang laban sa Southeast Asian Games sa Agosto 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinanghal si Cray na kauna-unahang Pinoy na nagwagi sa 100-meter dash ng biennial meet may dalawang taon na ang nakalilipas sa Singapore. Nakatakda niya ring depensahan ang 400-meter hudles na napagwagihan niya noong 2013.

cray copy copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi inaasahan, naitakda ang laban sa naturang dalawang event nang magkasabay sa iisang araw, sapat para umugong ang balita na kakapusin si Cray sa laban.

Ngunit, iginiit ni Cray na anuman ang kaganapan handa siyang sumagupa para sa dangal ng bayan.

“In between events, there’s a break of about 30-45 minutes but I’m not focusing on that. I’ve ran multiple races in one day so, it’s not going to be something new to me,” pahayag ni Cray sa panayam ng BALITA.

“You want to make your country proud so I’m up for the challenge. I’ll just make myself ready to run in both races on the same day and hopefully I get some good results.”

Para sa huling diga sa pagsasanay, lalahok ang 28-anyos na si Cray sa World Athletics Championships sa London bago ang SEA Games.

“There’s a lot of good, tough competition out there it would definitely prepare me to defend my titles,” aniya.

Kung pagbabasehan umano ang naging tagumpay ni Cray sa katatapos na Asian Athletics Championship, nasa tamang kondisyon ang Olongapo-born sprinter. Nakopo ni Cray ang gintong medalya sa 400-meter hurdles sa naturang torneo na ginanap sa Buhbaneswar, India.

Nailista niya ang tyempong 49.57 segundo, may mabagal sa kanyang personal best na 48.98 segundo na naitala niya sa IAAF World Challenge noong Hulyo 2016 sa Madrid, Spain.

“It’s just being able to bring that momentum from last year and bring it over to this year I feel like I’ve done that,” sambit ni Cray.

“It’s going to be pretty tight because I want to focus on trying to break the record on 100 meters as well but being at the same day one has got to give.”